Hahanapin Ka
Sa kagustuhan kong makita ang palabas ng mga nagmomotorsiklo, tumitingkayad ako para mapanood sila. Napakarami kasing tao. May napansin din akong tatlong bata na nasa puno sa ’di kalayuan. Hindi rin sila makasingit, kaya umakyat sila para makapanood.
Naalala ko sa mga batang iyon ang kuwento ni Zaqueo na umakyat din sa isang puno (LUCAS 19:2). Isang maniningil ng buwis…
Pagharap Sa Tukso
May magandang pananaw ang mongheng si Thomas à Kempis tungkol sa pagsubok at tukso na mababasa sa librong The Imitation of Christ. Sa halip na ituon daw ang pansin sa paghihirap na dulot ng pagsubok at tukso, sinabi niyang makakatulong ito para mas maging mapagpakumbaba tayo. Ayon sa kanya, “Ang susi sa tagumpay ay tunay na pagpapakumbaba at pagtitiis.”
Bilang…
Anak Ako Ng Aking Tatay
Habang pinagmamasdan ng aking mga anak ang lumang litrato ng aking ama, pasulyap-sulyap din sila sa akin. Sinabi nila, “’Tay, kamukhang- kamukha mo si Lolo noong bata pa siya!” Napangiti kaming dalawa ng aking ama. Matagal na naming naririnig ang ganoong komento pero ngayon lang ito napagtanto ng aking mga anak. Kahit magkaibang-tao kami ng tatay ko, kapag nakita nila…
Kahabagan Sa Iba
Tungkulin ng kaibigan kong si Ellen ang pag-aasikaso sa sahod ng mga empleyado sa isang kompanya. Tila madali lang ang trabaho niya pero may pagkakataong nahuhuli ang mga may-ari ng kompanya sa pagsusumite ng mga kailangang dokumento. Dahil dito, nagtatrabaho si Ellen ng mas matagal para matanggap ng mga empleyado ang sahod nila sa tamang oras. Ginagawa niya ito bilang…
Pinili Para Magpatawad
Si Patrick Ireland ay isa sa mga naging biktima ng massacre sa Columbine High School. Labing-tatlo ang nasawi roon at isa si Patrick sa dalawampu’t apat na nasugatan. Bago pa man mangyari iyon, naisip ni Patrick na parang pinili siya ng Dios para sa isang mahalagang bagay.
Habang nagpapagaling si Patrick, natutunan niyang lalong magdudulot ng sakit sa damdamin kung…
Pusong Mapagbigay
Nahihirapan si Vicki na mag-ipon para makabili ng bagong kotse. Hindi na kasi magagawa ang kotse niya dahil malaki ang naging sira nito. Nang malaman ito ni Chris na regular na kostumer sa restawran na pinagtratrabahuhan ni Vicki, hindi maalis sa isip niya ang tumulong. Kaya naman, binili ni Chris ang lumang kotse na ipinagbibili ng kanyang anak at ipinagkaloob…